COVID -19 cases sa bansa umabot na sa 549,176

Umakyat na sa 549,176 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,918 lamang ang aktibong kaso.

May 1,928 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 10,967 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 511,743 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 8 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,515 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: