COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa 537, 310

Umakyat na sa 537, 310 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 26,333 lamang ang aktibong kaso.

May 1,790 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health (DOH).

Mayroon namang 11, 388 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil dito, umabot na sa 499,798 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 70 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,179 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: