COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 531 na libo

Umakyat na sa 531, 699 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 32 ,775 lamang ang aktibong kaso.

May 1,590 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 249 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 487,927 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 55 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10 ,997 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: