COVID -19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 521,000

Umakyat na sa 521,413 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 35,048 lamang ang aktibong kaso.

May 1,849 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 177 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 475,765 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 48 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,600 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: