COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 525,618

Umakyat na sa 525,618 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,318 lamang ang aktibong kaso.

May 2,103 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 11,653 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 487,551 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 80 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,749 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: