COVID-19 cases sa bansa , umabot na sa mahigit 541,000

Umakyat na sa 541,560 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,188 lamang ang aktibong kaso.

May 1,345 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 276 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 499, 971 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 114 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,401 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: