COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 543 na libo

Umakyat na sa 543,282 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,478 lamang ang aktibong kaso.

May 1,734 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 423 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 500,335 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 68 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,469 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: