COVID- 19 cases sa bansa umabot na sa mahigit 640 libo

Nakapagtala ng 5,290 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health.

Dahil rito, umakyat na sa 640,984 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 66,567 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 439 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 561,530 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 21 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,887 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: