Pinakamataas na rekord ng bagong kaso ng COVID- 19, naitala ngayong araw ng DOH

Nakapagtala ng pinakamataas na rekord ng bagong kaso ng COVID- 19 cases ang Department of Health na nasa 7, 103.

Dahil rito, umakyat na sa 648,066 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 73, 264 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 390 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 561,902 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 13 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12 ,900 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: