COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 401,416

Pumalo na sa 401,416 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,489 lamang ang aktibong kaso.

May 1,672 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 100 new cases, Davao City na may 99 new cases, Quezon City na may 81 new cases, Batangas na may 78 new cases, at Baguio City na may 70 new cases.

May 311 naman na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 362,217 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 49 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,710 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: