COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa 435,413

Umabot na sa 435,413 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, nass 27,642 lamang ang aktibong kaso.

May 1,061 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City at Quezon City na kapwa may 92 new cases, 50 new cases naman sa Rizal, 44 new cases sa Pampanga, at 43 news cases sa Quezon.

Mayroon namang 328 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 399,325 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 10 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8, 446 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: