COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 429,000

Umabot na sa 429,864 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Bumaba naman sa 22,867 na lamang ang aktibong kaso.

May 2,076 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 137 new cases, Laguna na may 122 new cases, Cavite na may 103 new cases, Batangas na may 96 new cases, at Angeles City na may 79 new cases.

Mayroon namang 10,579 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 398,624 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 40 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,373 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: