COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 431,000

Umabot na sa 431,630 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Bumaba naman sa 24,580 na lamang ang aktibong kaso.

May 1,773 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Rizal na may 104 new cases, Cavite na may 99 new cases, Negros Occidental na may 88 new cases, Davao City na may 79 new cases, at Laguna na may 72 new cases.

Mayroon namang 44 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 398,658 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 19 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,392 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: