COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 442,000

Umabot na sa 442,785 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 25,325 lamang ang aktibong kaso.

May 1,400 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Benguet na may 101 new cases, Davao City na may 90 new cases, Quezon City na may 82 new cases, Rizal na may 75 new cases at Laguna na may 56 new cases.

Mayroon namang 139 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 408,790 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 98 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,670 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: