COVID-19 cases sa bansa, umabot na sa mahigit 444,000

Umabot na sa 444,164 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 26,545 lamang ang aktibong kaso.

May 1,387 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Batangas na may 71 new cases, Quezon City na may 70 new cases, Davao del Norte na may 64 new cases, Benguet na may 59 new cases at Quezon na may 57 new cases.

Mayroon namang 156 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 408,942 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 7 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,677 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: