COVID- 19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 447,000

Umabot na sa 447,039 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29,001 lamang ang aktibong kaso.

May 1,504 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 122 new cases, Rizal na may 85 new cases, Quezon City na may 80 new cases, Santiago City na may 67 new cases at Bulacan na may 64 new cases.

Mayroon namang 273 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 409, 329 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 8 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,709 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: