COVID -19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 450,000

Umabot na sa 450,733 ang kabuuang bilang ng COVID – 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 23,253 lamang ang aktibong kaso.

May 1,339 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 147 new cases, Davao City na may 124 new cases, Rizal na may 65 new cases, Laguna na may 50 new cases at Manila na may 49 new cases.

Mayroon namang 41 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 418,723 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 24 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,757 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: