COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 461,000

Umabot na sa 461,505 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 23,241 lamang ang aktibong kaso.

May 1,721 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 151 new cases, Quezon City na may 142 new cases, Rizal na may 85 new cases, Laguna na may 81 new cases at Maynila na may 77 new cases.

Mayroon namang 82 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 429,207 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 10 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 8,957 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: