COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 470,000

Umabot na sa 470,650 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 22,746 lamang ang aktibong kaso.

May 766 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 60 new cases, Quezon City na may 46 new cases, Benguet na may 41 new cases, Laguna na may 39 new cases, at Rizal na may 37 new cases.

Mayroon namang 104 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 438,780 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 15 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,124 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: