COVID-19 cases sa bansa mahigit 471,000

Umabot na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 22, 746 lamang ang aktibong kaso.

May 886 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 61 new cases, Pampanga na may 58 new cases, kapwa naman may 45 new cases ang Bulacan at Quezon City, at 37 new cases maman ang Cavite.

Mayroon namang 253 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 439,016 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 38 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9, 162 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: