COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 480 na libo

Umabot na sa 480,737 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 22,690 lamang ang aktibong kaso.

May 1, 047 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 79 new cases, Quezon City na may na may 58 new cases, Laguna na may 55 new cases, kapwa naman may 40 new cases ang Bulacan at Cagayan de Oro City. Mayroon namang 339 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 448, 700 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 26 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,347 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: