COVID- 19 cases sa bansa, umakyat na sa mahigit 479,000

Umabot na sa 479,693 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 21,997 lamang ang aktibong kaso.

May 937 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 85 new cases, Isabela na may na may 54 new cases, Agusan del Sur na may 49 new cases, Pampanga na may 48 new cases at Misamis Occidental na may 43 new cases.

Mayroon namang 114 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 448,375 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 58 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,321 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: