COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 505 na libo

Pumalo na sa 505,939 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,904 lamang ang aktibong kaso.

May 1,862 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Zamboanga City na may 206 new cases, Davao City na may na may 109 new cases, Kalinga na may 102 new cases, Quezon City na may 77 new cases at Benguet na may 74 new cases.

Mayroon namang 765 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 466,993 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 64 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,042 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: