COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 507 na libo

Pumalo na sa 507,717 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,126 lamang ang aktibong kaso.

May 1,783 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 99 new cases, Rizal na may 83 new cases, Maynila na may 78 new cases, Bulacan na may 69 new cases at Cavite na may 66 new cases.

Mayroon namang 500 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 467,475 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 74 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,116 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: