COVID- 19 cases sa bansa,umabot na sa mahigit 487,000

Umabot na sa 487,690 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 20,087 lamang ang aktibong kaso.

May 1,906 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Quezon City na may 121 new cases, Benguet na may na may 84 new cases, Davao City na may 82 new cases, Cavite na may 79 new cases at Bulacan na may 75 new cases.

Mayroon namang 8,592 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 458,198 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 8 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,405 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: