COVID-19 rooms at ICUs ng Perpetual Medical Help Center- Biñan, puno na

Inanunsyo ng Perpetual Medical Help Center- Biñan sa Laguna na puno na ang kanilang COVID-19 rooms at ICUs.

Sa abiso ng pagamutan, sinabi na naabot na ang full capacity ng kanilang mga kwarto at ICUs para sa mga pasyente na may COVID-19.

Gayunman, mananatiling bukas ang ospital para sa mga non-COVID patients.

Available din ang outpatient diagnostics at centers, at emergency room services ng nasabing pagamutan.

Moira Encina

Please follow and like us: