CPP-NPA founding chairman Joma Sison tinawanan ng Malakanyang sa bantang ibabagsak ang Duterte administration

 

Sinabihan ng Malakanyang na nananaginip si Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA Founding chairman Jose Maria Sison sa pahayag nitong ibabagsak niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na malabong mangyari ang banta ni Sison.

Ayon kay Roque hindi magagawa ni Sison ang kanyang banta dahil wala ito sa Pilipinas at nananatiling nagtatago sa The Netherlands sa Europa.

Hinamon ni Roque si Sison na umuwi muna sa Pilipinas bago mangarap na agawin ang gobyerno matapos bumagsak ang isinusulong na Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng kumunista lalong uminit ang palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng Malakanyang at ni Joma Sison.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *