Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, muling ipapatupad bukas

Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Enero 16, bukod pa ito sa ipinapataw na excise tax sa langis dahil sa TRAIN law.

Aabot sa 80 hanggang 90 sentimos ang taas presyo na inaasahan sa kada litro ng gasolina.

Maglalaro naman sa 40 hanggang 50 sentimos ang posibleng taas-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene o ng cooking gas.

Dahil dito, posibleng umabot na sa mahigit 3 piso hanggang 4 na piso ang panibagong dagdag presyo sa kada litro ng langis na ibinebenta sa mga gasolinahan kasama na ang ipinapataw na excise tax.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *