Dalawang aberya sa MRT-3, muling naitala ngayong araw

Dalawang magkakasunod na aberya ang muling naranasan ng mga pasahero ng Metro Rail Transit o MRT line 3 ngayong araw.

Alas 5:09 kaninang umaga nang pababain ang may 300 mga pasahero nito sa GMA-Kamuning station dahil sa electrical failure.

Saka pa lamang naisakay  sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero makalipas ang 10 minuto.

Samantala, makalipas ang isang oras at apatnapu’t isang minuto, muli na namang nagdulot ng aberya ang MRT matapos mag-malfunction umano ang Automatic Train Protection o Signaling system nito sa Boni Avenue station.

Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang may 600 mga pinababang pasahero nito makalipas ang apat na minuto.

 

===  end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *