Dagdag suweldo para sa mga pampublikong guro tinatrabaho na ni Pangulong Duterte ayon sa Malacañang

Pinaaapura na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang salary increase para sa mga teachers.

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Salvador Panelo  sa harap ng patuloy na panawagan ng mga pampublikong guro na madagdagan ang kanilang suweldo gaya na rin umano ng naipangako sa kanila ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo, kumikilos na ang economic managers ng Administrasyon para maisakatuparan ang pay hike ng mga guro sa pambublikong paaralan.

Inihayag ni Panelo funding source ang pinag-uusapan kaya kailanganh mapag-aralan muna ng mga economic managers ng pamahalaan na siyang ginagawa ngayon ng Department of Finance at ng Department of Budget and Mangement.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *