Resolusyon ng suporta kay Senate President Tito Sotto, pinaiikot na sa mga Senador

Sinimulan nang ipaikot at palagdaan sa mga Senador ang resolusyon ng pagsuporta kay Senate President Vicente Sotto III.

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na mayorya sa mga Senador ang pipirma sa resolusyon dahil mismong si Senador Manny Pacquiao ng PDP-Laban ang nagpanukala nito.

Iginiit ni Lacson na ginawa ito para ipakita sa mga bagitong Senador na hindi uubra ang kanilang pagpapapalutang ng pagpapatalsik sa Senate leadership para lamang makuha ang malalaking chairmanship sa Senado.

Sinabi ni Lacson na ngayon lang siya nakakita na nakikipagtagisan ang mga bagitong Senador ng Committee chairmanship kahit may umiiral na Rule of the Incumbent sa Senado.

Nakapagtataka aniyang kailangang makipag-agawan sa Committee Chairmanship gayong 24 lang ang mga Senador at lahat ng Senador ay may hahawakang komite.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *