Dalawang miyembro ng Akyat bahay gang, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Quezon City

 

Dalawang hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang ang napatay matapos manlaban sa mga otoridad sa Mindanao Avenue, extension, Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Ang mga suspect ay natunton matapos magsumbong ang biktima ng pinagnakawan nilang bahay.

Tumugma naman ang sumbong ng biktima sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nilagpasan ang nakatalagang checkpoint sa lugar.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan ang mga suspect at mga pulis at nabaril ang mga suspect.

Narekober sa mga suspect ang mga ninakaw nilang sapatos ng mister ng biktima, bag at wallet na may lamang 3,000 piso.

Patuloy na pinapaigting ng pulisya ang kanilang surveillance at pagbabantay sa gabi lalu na ngayong papalapit na ang Holiday season.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *