Dalawang tripulanteng Pinoy namatay sa pag-atake ng Houthi rebels

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng dalawang tripulanteng Pilipino bunsod ng pag-atake ng Houthi rebels sa mga barko na naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden.

Hindi inilabas ng DMW ang pagkakakilanlan ng dalawang Pinoy na pumanaw.

Ayon sa DMW, may dalawang iba pang Pinoy crew na lubhang nasugatan sa pag-atake sa kanilang barko.

Tiniyak ng DMW na alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pagkakalooban ng buong tulong at suporta ang mga kamag-anak ng mga tripulante.

Nagpaabot naman mg pakikiramay ang DMW sa mga pamilya at mga mahal sa buhay ng dalawang nasawing Pinoy seafarers.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *