LRT-2 at MRT-3, magkakaloob ng libreng sakay

Magkakaloob ng libreng sakay sa mga female passenger ang LRT 2 at MRT 3 ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa isang social media post, inanunsiyo ng Light rail Transit Authority, libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Inanunsiyo naman ng pamunuan ng MRT-3 ang libreng sakay para sa mga babae mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, ang libreng sakay para sa mga female passenger ay pasasalamat at paggalang ng ahensya sa tagumpay, talento, at community contributions ng mga babae.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *