DAP scam, iimbestigahan ng DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magsasagawa ng imbestigasyon ang DOJ sa sinasabing iregularidad sa paggamit ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na kahit pa idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng DAP ay itinuloy pa rin ng administrasyong Aquino ang pagpapatupad sa programa.

Aabot aniya sa 72 billion pesos na pondo ng DAP ang may bahid ng iregularidad.

Tinukoy ni Pangulong Duterte na nakinabang sa DAP sina Dating Budget Secretary Florencio Abad at Senador Antonio Trillanes.

Partikukar na idineklara ng SC na unconstitutional ang pondo na nanggaling sa hindi lehitimong savings, pondo na nailipat patungo sa ibang sangay ng gobyerno at paggamit ng unprogrammed fund na walang sertipikasyon mula sa National Treasurer.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us: