Eschiria Coli o E. Coli maaaring makuha sa mga palamig o halo halo na itinitinda sa lansangan ayon o DOH

Opisyal nang idineklara ng PAGASA weather forecasting center ang summer season kung kaya naman halos kabi kabila na ang nagtitinda ng sa malamig at halo halo.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Department of health o DOH na tiyaking malinis ang preparasyon  ng bibilhing pamatid uhaw.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial  na ang mga yelo na ginagamit sa halo halo at sa anumang sa malamig ay dapat na tiyaking malinis dahil ito ay maaaring magtaglay ng Escherichia coli o E. Coli bacteria.

Ayon pa kay Ubial, ang E.Coli ay  pangunahing sanhi ng sakit na dala ng pagkain o inumin.

Kapag dinapuan nito, makararanas ang biktima  ng diarrhea o pagkasira ng tiyan  at kung minsan ay kidney failure o panghihina ng bato.

Bukod dito, sinabi rin ng kalihim na hindi lang malinis na tubig at yelo ang kailangang matiyak,  dapat maging ang mga naghahanda ng mga naturang refreshments na pampalamig ay malinis din o alam ang personal hygiene.

Paliwanag  pa ni Ubial, kapag marumi ang mga kamay at hinawakan nito ang pagkain o inumin, madaling mailipat ang dumi, at ang taong makaiinom o makakakain nito ay malaki ang tsansang dapuan ng mga nabanggit na sakit.

Dagdag pa ni Ubial mainam din  na gumamit ng gloves at mask  ang mga nagtitinda lalo na at hahawakan ang mga pagkain o inuming ititinda.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *