Dating LRTA Gen. Manager Mel Robles binasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act

Binasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan si dating LRTA General Manager Mel Robles kaugnay sa  kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Not guilty plea ang inihain ni Robles sa Sandiganbayan

Itinakda naman ng Anti Graft Court ang prelim conference sa Sept. 13 ng kasalukuyang taon.

Kapwa akusado ni Robles ang sampung mga dating opisyal ng LRTA.

Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyong P400M maintenance and janitorial contract na pinasok ng Light Rail Transit Authority noong si Robles pa ang General Manager.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *