Dating MRT Line 3 General Manager Al Vitangcol , nagpasok ng noy guilty Plea

Nagpasok ng not guilty plea si dating Metro Rail Transit Line 3 General Manager Al Vitangcol III.

Ang kaso ni Vitangcol ay may kaugnayan sa kinakaharap nitong graft charges sa Sandiganbayan.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y pangingikil niya ng $30-million  dollars sa mga kinatawan ng Czech firm na Inekon noong 2012.

Nangyari  ang extortion para mapunta ang maintenance contract sa Inekon, pati na ang pagsu-supply ng additional light rail vehicles.

Gayunman, hindi pumasok sa nasabing iligal na kasunduan ang Czech firm.

Kalaunan ay napunta ang kontrata ng LRV sa CNR Dalian mula sa China, habang ang maintenance deal ay nai-award naman sa PH Trams.

Pero para kay Vitangcol, wala siyang pakinabang na nakuha rito at pinagbibintangan lamang siya para maisalba ang ibang opisyal.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *