DBM, nag donate ng 2 unit ng RT-PCR machine at 20,000 covid 19 test kits.

Dalawang unit ng RT-PCR machines at 20,000 covid 19 testing kits ang ipinagkaloob ng Department of budget and Management para magamit ng Cavite Provincial Govt. 


Personal itong itinurn-over ni DBM Sec. Wendel Avisado kasama si Usec. Lloyd Lao kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.


Nagpasalamat naman ang bise-gobernador sa ahensya sa mga ipinagkaloob na tulong ng ahensya para sa buong lalawigan ng Cavite.


Ayon kay Vice Gov. Revilla, malaki aniya ang maitutulong nito upang mas mapaigting pa ang aksyon ng Cavite Provincial Gov’t kontra COVID-19, at upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga taga Cavite.

Please follow and like us: