Deadline ng filing ng ITR, iniatras ng BIR

Iniurong na ng Bureau of Internal Revenue ang deadline sa paghahain ng income tax returns o ITR.

Una nang inanunsyo ng BIR na hanggang April 15 lamang ang deadline, na papatak ng Sabado, pero pinalawig pa nila ito hanggang April 17, Lunes.

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, bukas (open) ang mga filing centers hanggang alas-5:00 ng hapon.

Dahil dito, nanawagan si Dulay sa mga taxpayer na huwag nang ipagpaliban ang paghahain ng ITR at magbayad na ng buwis sa oras.

Nagdagdag na rin sila ng mga filing center  kung saan maari nang gawin ang electronic filing ng pagbabayad ng buwis at pagfa-file ng ITR.

 

Please follow and like us: