Deployment ng mga opisyal na balota na gagamitin sa halalan, sinimulan na ng Comelec

Courtesy: COMELEC
Sinimulan na kagabi ng Commission on Election (Comelec), ang deployment ng mga opisyal na balota na gagamitin para sa May 12 Midterm polls.
Pinangunahan mismo ng mga opisyal ng poll body ang deployment ng mga balota.

Courtesy: COMELEC
Unang idineploy ang mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at para sa special geographic area.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inuna nila ang malalayong lugar at ihuhuli naman sa deployment ang malalapit.

Courtesy: COMELEC
Dadalhin muna ang mga balota sa Treasurer’s office ng mga munisipyo at doon mananatili hanggang s abago ang araw ng halalan.
Target ng poll body na makumpleto ang deployment ng balota bago ang May 1, dahil magsasagawa pa sila ng final testing and sealing.
Madelyn Villar-Moratillo