Robes na gagamitin ng mga senador sa impeachment trial naideliver na

Nakahanda na ang robes na gagamitin ng senator-judges sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug, natahi na ang lahat ng robes at dalawa na lamang ang hinihintay para maideliver sa senado.
Naipaalam na rin aniya sa kamara ang kanilang room assignments sa senado sa sandaling umarangkada na ang paglilitis.
Tiniyak ni Bantug na minimal o kaunti lamang ang gastos ng senado sa proseso ng impeachment.
Kabilang na dyan ang gastos sa robes at access passes para sa mga bisita dahil ang iba namang pangangailangan ay available sa Senado.
Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero, na hindi aabot ng isang milyong piso ang gastusin ng senado sa impeachment process subalit hindi kasama rito ang lawyers’ fees.
Meanne Corvera