Deputy Speaker Gwen Garcia humirit sa Sandiganbayan na makalabas ng bansa

Naghain ng mosyon si House Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia sa Sandiganbayan 2nd Division para hilingin na payagan siyang makabiyahe sa Spain, Portugal at France.

Sinabi ni Garcia na kasama niya sa biyahe ang kanyang ama na si dating Cebu Rep. Pablo Garcia.

Ang kanilang pag-aabroad ay sa Abril 7 hanggang 25.

Sinabi ni Garcia na pinayagan na siya ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Batay sa mosyon, dadalo si Garcia sa Filipino Community sa mga naturang bansa, at tatalakayin ang mga panukalang magbibigay proteksyon sa mga Filipino sa abroad.

Nauna nang naglagak ng travel bond si Garcia sa kanyang mga naunang biyahe sa halagang ₱300,000.

Nakasaad din  sa mosyon na hindi flight risk si Garcia at tinitiyak ang pagbabalik nito sa Pilipinas.

Nauna nang bumiyahe si Garcia sa Estados Unidos, China, Hong Kong, Taiwan, Macau at Malaysia.

Si Garcia ay nahaharap sa kasong graft na may kinalaman sa maanomalyang konstruksyon ng Cebu International Convention Center, noong siya pa ang Gobernadora ng Cebu.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.