Dating Congressman Simeon Datumanong, pumanaw na

 

Pumanaw na si dating Justice Secretary at Congressman Simeon Datumanong.

Ayon kay Commission on Human Rights Commissioner  Leah Tanodra-Armamento , namatay si Datumanong sa Philippine Heart Center  bago mag alas diez kagabi.

Dadalhin ang mga labi ni Datumanong sa kanyang hometown sa Magonoy Maguindanao para doon iburol.

Si Datumanong ay itinalagang kalihim ng DOJ noong January 2003 at nagsilbi hanggang Disyembre ng nasabing taon.

Limang termino din siyang nagsilbi bilang kinatawan ng 2nd District ng Maguindanao Province.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: