DFA at U.S. Embassy naghahanda na para sa working visit sa Pilipinas ni U.S. Vice President Kamala Harris

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa U.S. Embassy para sa pagbisita sa Pilipinas ni United States Vice President Kamala Harris sa Nobyembre.

Ayon sa DFA, isinasapinal na ang arrangements para sa working visit ni Harris at ni Second Gentleman Douglas Emhoff sa bansa.

Sinabi ng DFA na magandang oportunidad ang pagbisita ng dalawa para lalong umigting ang engagement ng Pilipinas sa Amerika.

Ito ay kasunod na rin ng high-level meetings at exchange of visits sa pagitan ng dalawang bansa kamakailan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *