DFA pag-aaralang mabuti ang lahat ng diplomatic initiatives kaugnay sa isyu ng mga aksyon ng Tsina sa West Ph Sea
Maingat na aaralin ng Department of Affairs (DFA) ang lahat ng mga diplomatikong inisyatiba ukol sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tugon ng DFA sa resolusyon ng Senado na humihimok sa kagawaran na idulog sa United Nations General Assembly (UNGA) ang mga harassment ng Tsina sa WPS.
Sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza na ang interes ng mga mambabatas sa pagsulong sa 2016 Arbitral Award ay nagpapakita ng national consensus sa mahalagang kontribusyon ng ruling at ng UNCLOS sa Pilipinas bilang arkipelago at maritime nation.
Ayon kay Daza, may sustained na programa ang gobyerno ng Pilipinas para maisulong ang pagkaunawa sa UNCLOS at sa arbitral award upang makahimok ng suporta mula sa foreign governments.
Inihayag ni Daza na ia-assess at ika-calibrate ng DFA ang lahat ng diplomatic initiatives para matiyak na maisusulong nito ang pambansang interes at magdulot ng pinakamabuting benepisyo sa bansa
Moira Encina