DMW nirerebyu ang mga patakaran sa deployment ng OFWs sa Kuwait

Courtesy: migrantworkersoffice.com

Kasalukuyang nirerebyu na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga polisiya nito sa deployment ng mga OFW sa Kuwait, para masiguro na mapalakas ang proteksyon ng mga Pilipinong manggagawa sa Arab countries.

Kasunod ito ng magkahiwalay na insidente ng pagkamatay ng dalawang OFWs sa Kuwait na sina Jenny Alvarado at Dafnie Nacalaban.

Sinabi ng DMW na pag-aaralan nila kung kinakailangan na maghigpit sila sa mga patakaran para masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng OFWs lalo na ng domestic workers.

Sa ngayon ay ipinagbabawal ng DMW ang deployment ng first-time OFWs o ang mga wala pang karanasan na magtrabaho sa ibang bansa.

Ipinatutupad din ng DMW ang whitelisting at blacklisting ng Kuwaiti recruiters, pre-departure briefings kung saan kinakausap muna ang OFWs bago umalis papuntang Kuwait, at electronic on-site monitoring.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *