Malaysian national na sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na Text blast machine, arestado

Courtesy: PNP-ACG

Naaresto sa entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group at Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa Parañaque City, ang isang Malaysian national na nagbebenta ng Text blast machine

Nabisto ang suspek matapos nyang i-post sa social media ang equipment na Octopus 5G” blaster

Dito na ikinasa ang operasyon kung saan nabawi sa kanya ang makina na ibinebenta sa halagang 600 thousand pesos.

May kakayahan ang makina na i-intercept ang signal ng telcos at magpadala ng text message sa mga cellphone na pasok sa kanyang range.

Courtesy: PNP-ACG

Karaniwan itong ginagamit ng mga scammer upang magpadala ng mensahe na may fishing link sa mga target nila.

Ayon sa mga awtoridad, malaki rin ang posibilidad na magamit ng mga pulitiko ang makina sa nalalapit na eleksyon.

Batay sa datos, karaniwang tumataas ang bentahan ng text blaster tuwing papalapit ang eleksyon para gamitin sa kampanya.

Courtesy: PNP-ACG

Pero hindi hindi inaalis ng mga awtoridad na magamit ito sa black propaganda para siraan ang mga kalabang kandidato.

Dahil dito nanawagan ang mga awtoridad sa mga nakabili ng nasabing makina na isuko ito, at huwag nang hintaying mahuli sila at maharap sa patong-patong na kaso.

Samantala, ang Malaysian national ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa misuse of device sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, Sim Registration at paglabag sa Data Privacy Law.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *