DOH, muling nakapagtala ng mahigit 1 libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ng 1,766 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,795,642 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 37,159 ang aktibong kaso.

May 2,591 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,714,658 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 239 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 43,825 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, 214 kaso na una na nilang naiulat na nakarekober sa sakit ang nasawi pala matapos ang ginawang final validation.

Madz Moratillo

Please follow and like us: