DOH muling nakapagtala ng mahigit 20,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa

Umabot na sa 158,994 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 20,310 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,710 ng naitalang bagong gumaling.

May 193 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 33,873 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,040,568 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,847,701 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: